Makulimlim paglabas ko ng bahay kaninang umaga. Nagdala ako ng payong kung sakaling tumuloy ang ulan. Pero ni isang patak, walang dumating. Ready naman na ako sa pwedeng maganap, pero hindi naman lagi natutuloy. Parang pag-ibig.
Hay, bakasyon. Kung kelan nagsisimula na akong mag-enjoy, saka naman natapos. Parang pag-ibig.
Nagpaospital ako dahil sa sobrang sakit ng tiyan. Tanong ng doktor, “Gaano kasakit?”. Sabi ko, “Parang pag-ibig.” Pinahiga niya ako sa emergency room.
Masaya na akong nakaupo sa dulo ng pinupunong dyip, yung malapit sa babaan. Pagkatapos ay may sumingit na pasahero’t pagalit na sinabing “dito na lang ako,” napausog na lang ako’t di nakaimik. Parang pag-ibig.
Magtatagpo dapat kami ni bespren sa terminl ng jeep para sabay kami papuntang school. E late na ako ng 30 mins sa usapan. Kaso na-lobat phone ko kaya hindi ako makatext. Inisip ko umuna na siya. Yun pala, kahit aburido na siya, hinihintay pa rin niya ako. Parang pag-ibig.
Nanlalagkit akong umuwi galing sa basketball tournament. Dali-dali akong pumasok sa banyo para mag-shower. Malamig na tubig ang dumampi agad sa katawan kong pagod na pagod. Napapikit tuloy ako sa sarap. Parang pag-ibig.
Kailangan nasa tamang lugar at tamang oras ka para maranasan ang eclipse. Parang pag-ibig kasi yun.
Oo nga, mura yang sapatos na yan. Pero kung di naman kasya sa yo, huwag mo nang ipilit. Masasaktan ka lang. Parang pag-ibig.
Potek na pagvi-videoke to ng kapitbahay namin, ayaw matapos. Parang pag-ibig.
Paper Later by HernĂ¡n.Powered by Tumblr.

